Sumabak na sa international tennis tournament ang batang Alameñian na si Jairus Peralta bilang kinatawan ng Pilipinas sa 12 & Under Team Competition – Southeast Asia, na kasalukuyang ginaganap sa Nonthaburi, Thailand mula Hunyo 9 hanggang 13, 2025.
Si Jairus, na tubong Alaminos City, Pangasinan, ay kilala sa kanyang dedikasyon sa isports, partikular sa tennis.
Sa isang post, ibinahagi ni Jairus na nakarating na siya sa Thailand at agad na nagpakitang-gilas sa unang araw ng tournament matapos talunin ang koponan ng Brunei.
Buong suporta naman ang ibinibigay ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at kababayan, na umaasang maiuuwi niya ang kampeonato at karangalan para sa Pilipinas sa pagtatapos ng kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments