Batangas Vice Governor Mark Leviste, positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa video na ibinahagi niya sa Facebook, kinumpirma ni Leviste na sumailalim siya sa swab test noong July 28 kasama ang dalawa niyang kasambahay.

Kahapon nang lumabas ang resulta ng test na positibo siya sa virus habang negatibo ang kanyang pamilya at household helpers.


Bagama’t asymptomatic, naka-isolate na ang bise gobernador sa kanyang bahay malayo sa kanyang pamilya.

Nakikipag-ugnayan na rin siya sa mga awtoridad para sa contact tracing.

Facebook Comments