
Maituturing na legacy ng 19th Congress ang bagong batas na nagbabasura sa “Doble Plaka Law”.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, ang bagong batas ay tagumpay ng buong motorcycle riding community.
Sinabi ni Tolentino, co-author at principal sponsor ng panukala, iiwan niya ang Senado na puno ng pagpapasalamat dahil sa wakas ay nalagdaan na rin ang landmark law para sa milyong kababayan na araw-araw ay naka-depende sa kanilang mga motorsiklo.
Maliban kasi sa inaalis na ang requirement sa mga motor na paglalagay ng doble plaka ay binabaan na rin ang multa sa ilalim ng Motorcycle Crime Prevention Act (RA 11235).
Binibigyan din ng batas ng pagkakataon ang Land Transportation Office (LTO) na isara ang backlog ng pamamahagi ng license plates hanggang sa June 30, 2026 kung saan ngayon ay umabot ito sa 12 million.