Batas para sa malinis na CR at libreng Wi-Fi sa mga land transport terminals, pirmado na

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbabawal sa mga maruruming palikuran sa mga transport terminal.

Sa ilalim ng Republic Act 11311, lahat ng land transport terminal kabilang ang mga roro terminal ay kailangang magkaroon ng malinis na CR at libreng Wi-Fi.

Sakop din nito ang mga stop-over kung saan humihimpil ang mga pampublikong sasakyan.


Ipagbabawal na rin ang paniningil sa mga pasaherong gagamit ng CR sa mga terminal pero dapat may maipakita itong bus ticket.

Dapat ding magtalaga ng lactation stations para sa pagpapadede ng mga ina.

May multang ₱5,000 sa bawat paglabag na ipapataw sa may-ari o operator ng mga pasilidad na hindi susunod sa batas.

Facebook Comments