“BAWAL LUMABAS” THE CLASSROOM SONG NI KIM CHUI, PATOK SA SOCIAL MEDIA!

70

Inamin ng actress na si Kim Chiu na talagang labis siyang naapektuhan ng katakut-takot na pangba-bash na natanggap niya these past few days. Matatandaang umani ng matinding bashing at katatawanan mula sa netizens ang aktres matapos siyang magbigay ng pahayag tungkol sa ABS-CBN shutdown kamakailan lamang kung saan ay naikumpara niya nga ito sa batas ng classroom. Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang “classroom” statement ay humarap muli si Kim sa madla sa pamamagitan ng vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube account last Monday night.

Dito ay in-address ni Kim ang issue at may pasabog pa siya sa kanyang mga fans sa bandang huli. “Yes, I am back, your teacher sa classroom, charot! Eme (kiyeme) lang,” nakangiting bungad ni Kim. Sobrang hurtful words daw ang mga natanggap niya at hindi niya inakalang masasabi raw pala ng mga tao ang ganu’n katitinding mga salita. Pero at least daw ay maraming natawa sa mga sinabi niya kaya past is past at gusto raw niyang i-turn ang negative into positive.


Sa video ay pinasalamatan din ni Kim ang friends and supporters niya na nandiyan at the lowest point of her life. Pero may open letter from netizen na labis niyang ikina-touch at talagang nagbigay sa kanya ng encouragement kaya naman sobran thankful siya sa taong ito na hindi niya kilala. Hinanap niya ang netizen na nagngangalang Adrian at inimbita rin sa kanyang vlog para makausap at personal na makapagpasalamat.

Inimbitahan din niya sa nasabing vlog si DJ Squammy Beats na lumikha ng mga video (na nag-viral) gamit ang kanyang classroom statement at nilapatan ng beat. Dahil dito ay naisip ng Star Music na gawin nang full song ang classroom statement ni Kim sa tulong ni Adrian at DJ Squammy. Sa bandang dulo ng vlog ay mapapanood ang music video ng full version ng kantang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)” featuring Adrian and DJ Squammy, na ayon kay Kim, ay siya mismo ang gumawa. Kaagad namang nag-viral agad ang music video at nag-trending agad si Kim sa Twitter.

Samantala umabot naman sa humigit 1.2M views ang music video in less than 24. Sa huli, masayang-masaya ang aktress at labis na nagpasalamat sa lahat.

Facebook Comments