BAWAL YAN! | 2 arestado sa iligal na pagsusugal sa Pasay City

29

Pasay City – Arestado ang dalawang indibidwal matapos ma-aktohang nag susugal sa Riverside Street, Barangay 180, Maricaban, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Lea Pamisan at Michael Abordo, kapwa 18-anyos at pareho din walang trabaho.

Isang tawag mula sa concerned citizen ang nagsumbong sa mga pulis hinggil sa iligal na pagsusugal sa nabanggit na lugar.

Nang puntahan, nakita nila ang kumpol ng mga kabataan na nagsusugal ng cara y cruz kung saan nagkaroon ng habulan at ang dalawang suspek ang siyang naaresto ng mga pulis.

Nakuha sa kanila ang tatlong barya na panghagis at mga pera na pamusta.

Facebook Comments