BAWAL YAN! | Pito, huli sa iligal na sabong sa Sorsogon City

31

Sorsogon City – Kalaboso ang dalawang katao matapos mahuli sa isinagawang operasyon sa Barangay Piot, Sorsogon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rommel Evangelista at Baltazar Dungaran.

Sa ulat, ang dalawa ay nahuli sa aktong nagsasabong kung saan dinakip din ang mga pumupusta dito na sina Gerry Embile, Jay-R Jeresano, Robin Casungcal at Allan Jeresano.

Kabilang sa mga narekober sa mga operasyon ang tatlong buhay na manok na pansabong; tatlong patay nang manok; ilang gambling paraphernalia at higit sa P400 na bet money sa iba’t-ibang denominasyon.

Facebook Comments