BAWAS PERWISYO | One Stop Shop sa pagproproseso ng lisenya ng baril, bubuksan ngayong araw sa Kampo Crame

43

Manila, Philippines – Bubuksan na sa publiko ngayong araw ang One Stop Shop building ng Civil Security Group o CSG sa loob ng Kampo Crame. Ang One Stop Shop ay binuksan ng Philippine National Police upang hindi na mahirapan pa ang mga kumukuha ng lisensya o mag-renew ng kanilang lisensya ang mga nagmamay-ari ng baril. Maging ang pagproproseso ng mga dokumento ng mga Security Guard o PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agencies o SOCIAL. Sa ngayon kasi paikot-ikot sa paiba ibang gusali sa loob ng Camp Crame ang pagpapalisensya at pagpapadukomento. Pangungunahan naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang turn-over and blessing ceremony ng gusali ng One Stop Shop na makikita mismo sa EDSA Gate ng Camp Crame.

Facebook Comments