Bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad; pero tapyas sa presyo, sobrang liit lang

38

Manila, Philippines – Matapos ang halos dalawang buwan na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, inaasahang matatapyasan naman ito ngayong linggo.

Pero ayon sa energy sources, sobrang liit na bawas lang sa presyo ng kada litro ng gasolina ang ipatutupad ng mga oil company.

Aabot lang ito sa five centavos na pwede pang makain kung magmamahal din ang sangkap na ethanol.

Wala namang inaasahang paggalaw sa imported na diesel at kerosene.

Matatandaang humirit na ang ilang transport group ng dalawang pisong dagdag sa minimum na pasahe sa jeep dahil na rin sa sunod-sunod na oil price hike.

Facebook Comments