Bayad ng mga motoristang wala pang plaka, dapat ibalik — DOTr Sec. Dizon

Dismayado si Transportation Secretary Vince Dizon na maraming mga motorista pa rin ang nagkakaaberya dahil sa pagkuha ng plaka.

Ayon kay Dizon, hindi katanggap-tangap na 2025 na pero nararanasan pa rin ang problemang ito lalo’t available na ang mga makabagong teknolohiya kaya wala nang rason kung bakit hindi pa maibigay ng pamahalaan ang plaka ng mga sasakyan.

Dahil dito, kakausapin ni Dizon ang Land Transportation Office (LTO) para tutukan ang naturang isyu.


Kung kailangan aniyang magdagdag ng factory, iyon mismo ang dapat na gawin ng tanggapan.

Giit pa ni Dizon, dapat ibinabalik ang bayad ng mga motorista na hindi pa rin nakukuha ang kanilang plaka.

Facebook Comments