BAYAD-PINSALA, IPAGKAKALOOB NG PCIC SA MGA APEKTADO NG FISH KILL

Cauayan City – Makakatanggap ng bayad-pinsala mula sa Philippine Crop Insurance Program (PCIC) ang mga fishpond owners na naapektuhan ng fish kill ngayong tag-init.

Ayon kay Vanessa Pablo, Insurance Processor ng Region 2, patuloy na tumatanggap ang kanilang tanggapan ng claims for indemnity applicatioN.

Dagdag pa niya, nasa 35 na fishpond owners na ang naghain ng aplikasyon para sa bayad-pinsala. Sa mga ito, pito na ang nabigyan ng kabuuang halagang P71,724.

Gayunman, 18 aplikasyon ang hindi naaprubahan dahil sa minimal loss at late filing ng claims. Kasalukuyan namang pinoproseso ang natitirang 18 aplikasyon para sa parehong dahilan.

Karamihan sa mga nag-file ng claim ay mga nag-aalaga ng tilapia mula sa mga lalawigan ng Isabela at Ifugao.

Ipinunto ni Pablo na ang mga fishpond owners sa mga lugar na may insurance coverage lamang ng PCIC ang maaaring makatanggap ng bayad-pinsala.

Ang fish kill ay karaniwang nangyayari sa panahon ng matinding init, lalo na kapag tumataas ang temperatura ng tubig at maaaring magdulot ng pagkakaroon ng sakit sa isda, maling paraan ng pag-stock, sobrang dami ng isda sa palaisdaan, at sobrang pagtubo ng algae o halaman sa tubig.

Facebook Comments