Bayan ng Bayabas Surigao Del Sur, niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ngayong umaga

35

Muling niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ang Bayan ng Bayabas, lalawigan ng Surigao Del Sur, pasado alas-6:03 ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang episentro ng lindol sa layong 43 kilometers ng naturang bayan.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang ang pinagmulan nito.

Sa abiso ng PHIVOLCS, ang naturang lindol ay bahagi pa rin ng aftershock mula sa nangyaring 5.7 magnitude na lindol sa naturang bayan noong September 21, 2020.

Wala ring naiulat ang ahensya na may nasaktan o nasugatang at nasirang mga ari-arian na dulot ng pagyanig.

Facebook Comments