Bayan ng Burgos sa Surigao Del Norte, niyanig ng 3.6 magnitude na lindol

37

Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang bayan ng Burgos, lalawigan ng Surigao Del Norte pasado alas-3:49 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 30 kilometro kanlurang bahagi ng nasabing bayan.


May lalim na 19 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, walang naitalang mga intensity at mga aftershock na dulot ng pagyanig.

Wala ring na sugatan o nasaktan na pagyanig at hindi rin naglabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS sa mga karagatan kung saan nangyari ang lindol.

Facebook Comments