Bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, nasa ilalim na ng Comelec control

Ilalatag na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga regulasyon kaugnay sa paglalagay ng bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao sa kanilang kontrol.

Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na na kabilang sa tutukuyin ngayon ay kung sino ang mamamahala pansamantala sa lugar.

Paglilinaw pa ni Garcia, walang mababago sa paraan ng pamumuhay sa lugar at layon lamang nitong maiwasan na ang karahasan.


Inilagay sa Comelec control ang Datu Odin Sinsuat matapos ang pananambang sa election officer na si Atty. Maceda Abo at asawa nito noong March 26.

Sa ilalim nito, asahan na rin ang mga dagdag na checkpoint at mas mas mahigpit na seguridad.

Umaasa naman ang poll body na hindi na madadagdagan ang mga lugar na nasa Comelec control.

Facebook Comments