Bayan ng Governor Generoso Davao Oriental, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga

22

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Oriental pasado alas-7:50 ngayong umaga.


Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seiesmology o PHIVOLCS, ang episentro ng lindol sa layong 122 kilometers silangan ng bayan ng Governor Generoso.

May lalim ito na 66 kilometers at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Ito na ang ikatlong pagyanig na naramdaman sa naturang bayan ngayong umaga.

Unang naramdaman ang magnitude 3.0 na lindol pasado ala-1:50 kaninang madaling araw.

Sinundan ito ng kaparehong lakas na pagyaning alas-6:02 kaninang umaga.

Sa kabila nito, wala namang naitalang pinsala bunsod ng lindol at wala ring inaasahang aftershock.




Hindi rin naglabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS.

Facebook Comments