Bayan ng Sabtang Batanes, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ngayong umaga

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Sabtang, lalawigan ng Batanes pasado alas-6:18 ngayong umaga.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 15 kilometers timog na bahagi ng Sabtang ng naturang lalawigan.

Nasa 10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan nito.


Naramdaman naman ang Intensity II sa bayan ng Basco Batanes.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), wala namang inaasahang mga aftershock na dulot ng pagyanig.

Wala ring naiulat na nasawi o nasaktan at wala ring mga nasirang ari-arian ng dahil sa lindol.

Facebook Comments