Bayan ng Talitay , Mapayapa- COP Centinaje

Sa DXMY-RMN-Cotabato nilinaw ni Talitay-PNP Chief Police Lt. KARL VINCENT CENTINAJE ang mga balitang lumabas sa ibang himpilan ng radyo dito sa Cotabato city at maging sa online news kaugnay ng umano’y may panibagong naganap na tensyon sa Talitay, Maguindanao.

Binigyang diin ni Police Lt. Centinaje na “fake news”, walang katotohanan ang lumabas na balitang may naganap na namang explosion at engkwentro sa Talitay.

Nilinaw ng opisyal na maliban sa naganap na pagsabog at sagupaan sa pagitan ng armed groups sa naturang bayan noong May 14, 2019 ay hindi na ito nasundan pa.


Ikinagulat ng opisyal ang naturang balita na wala naman anyang basehan, iginiit pa ni Police Lt. Centinaje na maari naman s’yang tawagan ng mga media upang makumpirma ang report.

Pinasalamatan naman ni Police Lt. Centinaje ang DXMY-RMN-Cotabato sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang maitama ang naunang mga maling balita.

Samantala , agad naman pinagkalooban ng tulong ang mga naapektuhang pamilya sa nangyaring tensyon noong May 14. Sinasabing nakabalik na rin sa kani kanilang tahanan ang mga ito dagdag pa ni Lt. Centinaje

Facebook Comments