Bayaning Pulis Foundation Incorporated at PNP, nagkasundong magbibigay ng scholarship sa anak ng mga bayaning pulis

22

Lumagda ng isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP)at ang Bayaning Pulis Foundation Incorporated para tulungan ang mga anak ng mga pulis na masasawi o ang mga pulis na hindi na makapagtrabaho dahil sa pagtupad sa tungkulin.

Mismong si PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar at Philippine Chamber of Commerce and Industry President Amb. Benedicto Yujuico ang lumagda sa kasunduan sa Pasay City kagabi.


Ayon kay Eleazar, ang nilagdaan nilang kasunduan ay isang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na nag-alay ng kanilang sariling buhay at panahon para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa sa gitna ng pandemya.

Kahapon din sa isinagawang signing ceremony, agad na-grant ang scholarship ng mga anak ng 22 pulis kung saan libre silang makakapag-aral mula elementarya hanggang sa kolehiyo.

Sinabi ni PNP Chief na walang katumbas na halaga ang buhay at sakripisyong inialay ng kanilang mga kasamahan kaya sa pamamagitan nito ay kahit paano’y maiparamdam at maipakita sa mga bayaning pulis na pinapahalagahan ang kanilang pamilya ng gobyerno.

Facebook Comments