Batay sa pinakahuling Shellfish Bulletin No. 8 na inilabas kahapon Abril 14, nananatiling positibo sa red tide toxin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa baybayin ng Bolinao at Anda.
Ibig sabihin, hindi pa rin ito ligtas kainin at maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning na delikado sa kalusugan.
Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang pagkain ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar.
Ipinagbabawal din ang panghuhuli, pagbebenta, at pagbibiyahe ng mga ito habang hindi pa inaalis ang babala.
Samantala, nilinaw ng mga awtoridad na ligtas pa rin kainin ang isda, pusit, alimango, at hipon mula sa nasabing lugar basta’t sariwa, nalinis nang maayos, at nahugasan bago lutuin.
Patuloy namang binabantayan ang sitwasyon, habang hinihikayat ang publiko na sumunod sa abiso upang makaiwas sa panganib sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










