Isang makulay at matagumpay na gabi ng koronasyon ang ipinagdiwang ng bayan ng Binmaley sa ginanap na Binibining Binmaley 2025 noong gabi ng Sabado sa Binmaley Town Plaza.
Ang mga kalahok mula sa labing limang barangay ng bayan ay nagpakitang-gilas at ipinamalas ang kanilang ganda, talino at husay sa kompetisyon.
Matapos ang ilang linggo ng paghahanda at mga pre-pageant events, kinoronahan bilang Binibining Binmaley Sigay (Grand Winner) si Jorgina Rose Dela Cruz mula sa Barangay Naguilayan.
Wagi ito matapos magpakita ng kakaibang karisma, mahusay na pagsagot sa Q&A portion at natatanging adbokasiya para sa mamamayan at sa kanyang bayan.
Itinanghal naman bilang Bb. Tourismo (1st runner-up) si Mhian Abegail Prado at Bb. Kalikasan(2nd runner up) si Jamaica Rose Samson na parehong mula sa Brgy. Tombor. Habang si Irish Mae Villariaza naman ng Brgy. Pallas ang Bb. Liga (3rd runner up) at Bb. Kabataan (4th runner up) naman si Charisse Aliah Paras ng Brgy. Poblacion.
Ang tagumpay ng ganitong pageant ay pagpapakita ng plataporma ng mga kabataan upang itampok ang mga mahahalagang isyu at kanilang adbokasiya na makakatulong sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨