BBM, hinimok ang mga magulang na maging listo sa kanilang anak laban sa napaulat na ‘online kopyahan’

Hinimok ni dating Senator Bongbong Marcos ang mga magulang na maging listo laban sa mga napaulat na pananamantala sa online learning.

Ayon kay Marcos, dapat na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak para hindi mahikayat na sumali sa ‘online kopyahan’.

Dahil walang guro na maninita, mas dapat aniyang pag-ibayuhin ng mga magulang ang paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak at sa paghubog ng kanilang mabuting asal.


Facebook Comments