Bea Alonzo, handa nga bang iwan ang lahat para sa pag-ibig?

“If he’s worth it.”

Ito ang sagot ng aktres na si Bea Alonzo nang tanungin kung handa ba niyang iwan ang lahat para sa pag-ibig.

Sa video na ini-upload ni Ian Veneracion sa YouTube Channel ni Bea noong March 6, tinanong nito ang aktres kung handa ba niyang ipagpalit ang kanyang career, pera, at lifestyle para sa simple at “boring” na buhay.


Sagot ni Bea, “I would. For love? I would. If he’s worth it.”

Alam din daw kasi nito na kung talagang mahal siya ng lalaki, hindi siya papipiliin.

Sa tanong naman na “Are you willing to give up your love for coffee in exchange in finding out who your soulmate is?”

Ang naging sagot ng aktres ay “Of course. Coffee lang naman ‘yan, ‘no. Mas nakakabuhay ang pag-ibig.”

Matatandaang una nang naging kontrobersiyal ang love life ni Bea nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson noong 2019.

Facebook Comments