Beauty queen na si Maggie Wilson, umapela ng tulong matapos i-harass ng dating asawa nito na si Victor Consunji

307

Umapela ng tulong ang Filipino-British Beauty Queen na si Maggie Wilson matapos pasukin ng mga tauhan ng dating asawa nito na si Victor Consunji ang pamamahay ng aktres nang walang anumang notice, warrant at maayos na paperworks.

Sa Instagram post ng beauty queen, sinabi ni Maggie na nag-serve ng notice ang mga lalaki para i-padlock ang kaniyang bahay.

Ipinakita pa ng kamag-anak ni Maggie ang kontratang nagsasabi na may karapatang manirahan ang aktres sa naturang bahay, pero pinagtawanan lamang ito.


Wala naman si Maggie nang nangyari ang insidente dahil kasalukuyan siyang nasa business trip.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang VCDC at DMCI at mga kompanyang parehong pagmamay-ari ni Victor hinggil sa reklamong ito ni Maggie.

Matatandaang, September 2021 na inanunsiyo nina Maggie at Victor ang desisyon nilang maghiwalay matapos ang halos 11 taong pagsasama.



Facebook Comments