Bed capacity ng mga ospital, dapat dagdagan – NTF

38

Hinimok ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang mga miyembro nito na paghusayin pa ang kapasidad ng mga ospital para sa COVID-19 cases at iba pang sakit.

Ayon kay Galvez, kailagang mapabilis ang ‘universalization’ ng healthcare system sa bansa.

Hindi nila hinihikayat ang home quarantine dahil sa paniniwala nila ay magdudulot ito ng pagtaas ng local transmission ng COVID-19 sa buong bansa.

Libu-libong COVID-19 patients ang inilipat sa temporary treatment at monitoring facilities mula sa kanilang bahay sa ilalim ng Oplan Kalinga kung saan binibigyan ang mga ito ng karampatang atensyong medikal.

Facebook Comments