Beermen, nakapagtala ng 4 na sunod na pagkapanalo

31
Photo Courtesy: PBA

Nakapagtala ng apat na sunod-sunod na pagkapanalo ang San Miguel Beermen sa tulong ni five-time MVP June Mar Fajardo laban sa NorthPort Batang Pier sa 2019 PBA Cup sa iskor na 113 – 107.

Nakapagtala si Fajardo ng tumataginting na 40 points at 19 rebounds.

Baliwala naman ang 28 points ni Mo Tautuaa ng Batang Pier sa lakas ng Beermen.

Dahil sa pagkapanalo, tumaas ang win-loss card ng Beermen sa 6 – 3 habang laglag naman sa limang sunod-sunod na pagkatalo ang Batang Pier.

Facebook Comments