Beermen, target na maitabla ang laban kontra Hotshots sa PBA finals

38

Target ng San Miguel Beermen na maitabla sa 1-1 ang serye kontra Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup Finals.

Maghaharap ang dalawang koponan sa game two mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Una nang nasungkit ng Hotshots ang game 1 kontra Beermen sa score na 99-94 noong Miyerkules.

Dahil dito, kakapit ngayon ang Beermen kina five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Ross at Marcio Lassiter.

Habang muling aasahan ng Magnolia sina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barroca, Jio Jalalon at Rafi Reavis.

Facebook Comments

From Advertisers