Beijing, kontrolado na ang bagong coronavirus outbreak

Kontrolado na sa Beijing ang bagong Coronavirus outbreak na nagsimulang kumalat noong unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay Beijing Head of the Health Commission Lei Haichao, nakatulong sa pagkontrol ang mass nucleic acid testing, mabilisang pag-trace ng mga close contact at ang mga fever clinic.

Nabatid na umabot ng 256 ang naging kaso ng bagong COVID-19 outbreak sa nasbaing lugar kung saan 253 dito ay mula sa pinakamalaking wholesale food market sa Beijing.


Samantala, nagbabala naman ang mga eksperto na posibleng magkaroon muli ng outbreak sa susunod na winter o spring pero nilinaw na hindi naman ito ganoon kalala.

Facebook Comments