Benefit of the doubt, hiningi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa United Nations kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan

Manila, Philippines – Humingi ng ‘benefit of the doubt’ si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa United Nations kaugnay sa kampanya ng bansa kontra iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa 72nd United Nations (UN) General Assembly sa New York, iginiit niyang walang nilalabag na karapatang pantao ang administrasyong Duterte.

Payo ni Cayetano, pagtuunan din ng pansin ang mga headline tungkol sa mga biktima ng mga drug-addict at huwag basta-basta maniniwala sa mga maling impormasyon at fake news na kumakalat kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


Dagdag pa ng kalihim, sangkot din ang mga terorista sa talamak na illegal drug trade sa bansa.

Matatandaang noong Biyernes ay naglabas ng matrix si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng politiko na nagpopondo umano sa Maute Group gamit ang illegal drug trade.

Facebook Comments