Benepisyaryo ng free mass swab test sa Maynila, umabot na sa mahigit 12,000

54

Pumalo na sa 12,499 ang bilang ng mga indibidwal na nakapag-swab test sa ilalim ng free mass swab testing program ng Pamahalaang lokal ng Maynila.

Ayon kay Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, kinabibilangan ito ng mga driver ng pampublikong transportasyon, mga nagtitinda sa palengke, empleyado ng mga hotel at mga nagtatrabaho sa mga mall.


Binanggit ni Mayor Isko na maliban sa mga sektor na ito, nasa mahigit 43,000 naman na ang kabuuang bilang ng mga na-swab test sa anim na district hospitals ng lungsod.

Tiniyak ni Domagoso na magtutuluy-tuloy ang nabanggit na mga programa para mabigyan ng kapanatagan at matiyak ang kaligtasan ng lahat partikular ang mga Manileño ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments