Matumal ngayon ang bentahan ng karneng baboy sa Pangasinan. Ang nakikitang dahilan ng ilang mga meat vendors ay dahil sa tumaas muli ang presyo nito sa mga pamilihan.
Sa kasalukuyan nasa 370-380 pesos ang presyo nito sa mga pamilihan sa probinsiya. Ang ilang mamimili sa Manaoag Public Market, patingi-tingi lamang ang kinukuha ng mga consumer dahil hindi na umano pasok sa kanilang budget ang kada kilo ng baboy.
Ayon sa ilang tindera sa bayan, sa isnag araw pahirapan ang pagpapa ubos ng kanilang bentang baboy kahit pa alisin na umano nila ang ipinatonf na tubo.
Samantala, bagamat may mga lugar na apektado ng african swine fever tinitiyak ng mga ito na nagmumula ang kanilang suplay sa mga lugar na hindi infected ng sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments