Wala pa rin naman umanong pagbabago sa bentahan ng facemask sa kabilang ng pagkabahala ng ilan sa sakit na Monkeypox o Mpox ayon sa ilang tindera sa Dagupan City.
Ani ng ilang tindera, wala naman umanong hoarding ng facemask sa lungsod dahil sapat ang suplay ng produkto sa lungsod at hindi umano nawawala na may bumili nito araw-araw.
Hindi rin umano itinataas ang presyo ng facemask mula noong new normal bunsod ng COVID-19 pandemic kung saan nasanay na ang ilan na hindi magsuot nito.
Nakadepende sa klase ng facemask ang presyo tulad ng K94, N96 o surgical mask na mula P50 ang kada balot na may lamang 5-7 piraso at ang ilan ibinebenta ng limang piso ang kada piraso.
Kaugnay nito, Nagbigay paalala si DOH-CHD 1 Medical Officer Dr. Rheuel Bobis na huwag mag-hoard ng facemask dahil hindi airborne ang sakit na Mpox.
Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng naturang sakit sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments