Best at worst scenario sa mga Pilipino, nakita ngayong pandemya ng isang pari mula Quezon City

149

Nakakita ng best at worst scenario sa mga Pilipino si Fr. Luciano Felloni, parish priest ng Kristong Hari Church sa Quezon City.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at lalo pang pagdami ng bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.


Ayon kay Fr. Felloni, best dahil sama-sama at nagtutulong-tulong ang mga Pilipino para labanan ang pandemya.

Habang maituturing naman ang worst na mula sa mga pulitiko hanggang sa ating sarili ay nangingibabaw pa rin ang pansariling interes.

Sa ngayon, pinaalalahanan ni Fr. Felloni ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at doon na lamang gunitain ang Semana Santa kasama ang pamilya.

Facebook Comments