Best District Jail sa Region 2, Iginawad sa Cauayan City Jail

15

Cauayan City, Isabela- Hinirang bilang Best District Jail sa buong rehiyon dos ang Cauayan City District Jail.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay JCInsp. Gilbert Accad, Jail Warden, masaya ang kanilang pamunuan sa pagkakapili sa kanilang District Jail mula sa iba pa sa buong Cagayan Valley.


Aniya, naging maganda ang kanilang mahusay na performance sa kabila ng nararansang pandemya dahil sa COVID-19.

Malaki naman ang kanyang pasasalamat sa suporta ng LGU Cauayan at publiko dahil sa kanilang naabot na pagkilala.

Bukod dito, patuloy rin aniya ang mga nasimulang aktibidad maliban na lamang sa pagdalaw ng mga kaanak ng mga PDL kung kaya’t ginawa na lamang itong E-Dalaw.

Ipinagpapasalamat naman ni Accad na nananatili pa rin silang COVID-19 free sa kabila ng mataas na bilang ng mga inmates.



Facebook Comments