Pinarangalan ang IFM Dagupan bilang Best Radio Station sa katatapos na 2nd Daluyon Media Awards 2025 ng Alliance of Communication Students ng Unibersidad De Dagupan, kahapon.
Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni IFM Dagupan Station Manager Mark Espinosa sa nasabing award. Magsisilbi umanong inspirasyon ang pagkilala ng UDD na pagbutihin ang serbisyo sa bayan sa larangan ng pagbabalita, musika at kawanggawa.
Mensahe nito sa mga Kabataang nangangarap maging bahagi ng industriya ng media na maging boses ng kinabukasan at manindigan sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga Pilipino.
Mula sa buong 104.7 iFM Dagupan, salamat! 2nd Dayulon Media Awards! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments