BFP at PNP, inatasan na tulungan at bigyang hustisya ang babaeng inararo ng isang truck ng BFP sa Pateros

168

Pinatitiyak ni Mayor Miguel ‘Ike’ Ponce, III sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bigyang hustisya ang mga nasaktan at naapektuhan sa nangyaring pag-araro ng isang truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong May 9, 2021 sa M. Almeda St. Barangay Magtanggol.

Pinatitiyak din ni Mayor Ike sa BFP na mabibigyan ng tulong ang isang babae na labis na nasugatan sa insidente.


Kasabay nito, ipinag-utos ni Mayor Ponce sa PNP ang isang mabilis at patas na imbestigasyon sa pangyayari.

Ang driver ng BFP truck na si F02 Ramon Lactao II ay kasalukuyang nakakulong sa Pateros Police Station sa Ragas st. Barangay Sta. Ana.

Facebook Comments