BFP, inamin ang kakulangan sa mga gamit lalo na ang fire trucks

Manila, Philippines – Inamin ng Bureau of Fire Protection na mayroon parin silang kakulangan sa mga gamit lalong lalo na ang fire trucks.

Ayon kay BFP Spokesperson Major Ian Manalo, bagamat kumpleto na sa mga fire trucks ang bawat syudad, ang mga munisipyo naman ang may kakulangan.

Pero dinidiskartehan na lamang anila ang ganitong sitwasyon


Kahapon kasabay ng ika-26 na taong anibersaryo ng Bureau of Fire Protection dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte at nangako ito na ibibigay ang kanilang mga pangangailangan at itataas pa ang kanilang sweldo.

Facebook Comments