BFP LINGAYEN, MAY PAALALA NGAYONG FIRE PREVENTION MONTH

Nagpapaalala ang Bureau of Fire Prevention (BFP) Lingayen sa mga Pangasinenses ukol sa nararapat na kaalamang pagdating sa insidenteng sunog, alinsunod na rin sa selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Ayon kay BFP Lingayen SFINSP Andell Combate sa panayam ng IFM News Dagupan, importante ang pagiging alerto sa naturang insidente.

Ibinahagi rin nito ang iba’t-ibang mga hakbangin upang makaiwas sa sunog.

Samantala, hinikayat naman ang mga residente na patuloy na makipag-ugnayan sa ahensya upang maging katuwang ang mga ito sa pagtugon sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments