BFP, tumulong na sa pag-evacuate sa mga residente na malapit sa tumagas na ammonia sa isang ice plant at storage facility

17

Inililikas na ng pamahalaang lokal ng Navotas ang mga residente sa North Bay Boulevard.

Ito’y matapos na tumagas ang ammonia sa isang ice plant at storage facility sa lugar.


Inatasan na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tumulong sa pag-evacuate sa mga residente.

Dagdag ni Tiangco, nakahanda ang LGU na sagutin ang gastusin sa sandaling may residente na naospital dahil sa pagkalanghap sa ammonia leak.

Facebook Comments