BI BRIBERY SCANDAL | Sombero, ikukulong muna sa Camp Bagong Diwa

18

Manila, Philippines – Pansamantala munang ikukulong si Wally Sombero sa Camp Bagong Diwa habang pinag-aaralan ng Sandiganbayan 6th Division ang apela nito na mamalagi sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ibinasura kasi ng Sandiganbayan ang petisyon ng kampo ni Sombero na siya ay mabigyan ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ng graft court ang kanyang mosyon na mapawalang bisa ang mga asuntong isinampa laban sa kanya.

Tinawag na bagman umano si Sombero matapos siyang madawit sa nangyaring milyun-milyong suhulan sa Bureau of Immigration na sangkot ang mahigit isang libong Chinese national na nagtatrabaho sa Clark, Pampanga.

Facebook Comments