BI, kukuha ng karagdagang mga tauhan para sa mga bubuksang bagong airport sa bansa

49

Binuksan na ng Bureau of Immigration (BI) ang hiring para sa 195 na bakanteng posisyon na ide-deploy sa international airports at seaports sa buong bansa.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa mga bagong international airports na magbubukas sa mga susunod na taon.


Maglalagay rin ang BI ng mga tao sa kanilang border crossing stations.

Nais ng BI na kumuha ng fresh graduates na gustong magsimula ng kanilang career sa public service.

Kabilang sa mga bukas sa plantilla positions ay isang Attorney 4 at isang Attorney 3 ng Bureau.

Ang Immigration officers na bagong hire ay magkakaroon ng Salary Grade Level 11 o nasa mahigit ₱22,000.




Pero kailangan ay nagtapos ang mga ito ng four-year course at mayroon nang Career Service Professional Second Level Eligibility mula sa Civil Service Commission (CSC).

Facebook Comments