BI, naka-alerto sa mga dayuhan na nagpapanggap na Pinoy

Naka-alerto ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang nakapasok sa bansa at nagpapanggap na mga Pilipino.

Kasunod ito ng pagkakadakip sa Korean national na si Kwak Dong Hee na nagpanggap na Pilipino.

Ayon sa BI, marami silang mga tauhan na bihasa sa pagkilatis sa mga dayuhang nagpapanggap na mga Pinoy.


Anila, hindi makakalusot sa immigration officers ang mga kahalintulad na gawain.

Si Kwak ay unang umamin na nagbayad siya ng P120,000 para makakuha ng Philippine passport gamit ang Filipino name na Erik Nacis na ginamit nito sa tangkang paglipad patungo ng Saigon, Vietnam.

Facebook Comments