BI, tinanggal na ang mga tauhan sa nangyaring pagtakas ng puganteng South Korean national

Sinibak na ni Bureau of Immigration (BI), Commissioner Joel Viado ang ilan nilang tauhan na responsable sa nangyaring pagtakas ng isang puganteng South Korean National habang papunta sa hearing sa Quezon City.

Agad na ipinag-utos ni Viado ang pagtanggal sa BI personnel kung saan pinaiimbestigahan na niya kung mayroon pang iba na sangkot makaraan makatakas ang high-profile Korean fugitive.

Aniya, hindi niya kukunsintihin ang pagkakamali ng mga tauhan ng BI maging ano man ang posisyon nito.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Viado ang manhunt operation para muling madakip ang Korean fugitive na si Na Ikhyeon, na nasakote sa Clark, Pampanga noong 2023 dahil sa maling pagpapakilala bilang Pilipino.

Bukod dito, inatasan na niya ang ibang taunan na magsagawa ng internal audit sa mga nakadesitno sa high-risk deportation at detention cases para masiguro na maiwasan na mangyari muli ang pagkakamali.

Facebook Comments