Sunday, June 7, 2026

BI walang record ng paglabas ng bansa ni Sen. Dela Rosa ngayong ibinasura ang hiling na TRO

Walang naitalang pagbiyahe si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa paglabas ng bansa.

Ito ang sinabi ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng hindi paglalabas ng Temporay Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa petisyon ng kampo ng senador para huwag ipatupad ang arrest warrant sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, walang recent recorded travel history si Dela Rosa hanggang sa ngayon.

Samantala, wala pang pahayag ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa susunod nilang hakbang ngayong ibinasura ang hiling na TRO ni Bato.

Una nang sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na bagama’t kinikilala ng pamahalaan ang bisa ng ICC warrant at maaari siyang arestuhin ay gagawin lamang ito kung magtatangka siyang lumabas ng bansa o maglabas ng ruling ang Kataas-taasang Hukuman na pumapabor sa estado.

Facebook Comments