BIBISITAHIN | Pangulong Duterte, planong bisitahin ang Pag-Asa Island sa West Philippine Sea

23

Manila, Philippines – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang Pag-Asa Island na bahagi ng Spratlys sa West Philippines Sea.

Ito ay matapos bumisita si Duterte sa Philippine Rise kung saan nag-jetski pa ang kanyang anak na si Baste at kanyang special Assitant na si Bong Go.

Ayon kay Lorenzana, hindi pa tiyak kung kailan ito mangyayari dahil nais din ng Pangulo na panatilihin ang magandang relasyon sa China.

Pero maaring mangyari ito ngayong taon.

Ang Pag-Asa Island ay pinakamalaki sa siyam na military outpost ng pilipinas sa rehiyon.

Facebook Comments