Bicol International Airport, mananatiling operational kahit nag-aalburuto ang Bulkang Bulusan

52

Mananatiling operational ang Bicol International Airport sa kabila ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa paliparan, nakahanda silang tumanggap ng mga paparating na tulong para sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan noong Linggo.

Una nang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naitalang pinsala sa paliparan ang pagsabog ng bulkan.


Nabatid na sumailalim sa masusing retrofitting at rehabilitasyon ang Bicol International Airport sa Albay bilang bahagi ng “Build Build Build” Program ng pamahalaan.

Facebook Comments