Biden at Vladimir, magsasagawa ng unang summit sa Geneva, Switzerland

70

Magsasagawa ng unang summit sina US President Joe Biden at Russian President Vladimit Putin sa Geneva, Switzerland sa susunod na buwan.

Ayon kay White House Press Secretary Jen Psaki, bukod sa pagpapatibay ng relasyon ng US at Russia, pag-uusapan din ng world leaders ang isyu ng strategic stability at kung paano mareresolba ang mga rehiyonal na hidwaan at COVID-19 pandemic.


Ito rin ang kauna-unahang international trip ni Biden bilang US president.

Matatandaan na sinang-ayunan ni Biden ang isang interviewer na tinawag si Putin bilang “killer” habang idineklara naman ng Russian government na “unfriendly” ang Estados Unidos.

Facebook Comments