BIFF Commander, arestado sa North Cotabato

Manila, Philippines – Arestado ang isa sa kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) matapos ang inilunsad na combat operation ng militar sa Midsayap North Cotabato

Kinilala ang naarestong kumander na si Muslimin Ladtungan alyas Mus na kasalukuyang 4th Division commander ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ni Mando Mamalumpong alyas Commander DM.

Ayon kay Capt Jo-ann Petinglay ang tagpagsalita ng AFP Western Mindanao Command alas 8:15 ng umaga kahapon (September 25) nang maaresto ang BIFF commander sa Barangay Nabalawag Midsayap North Cotabato.


Nakuha sa naarestong bandido ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang rocket-propelled grenade, dalawang Caliber .45 pistols; at mga components ng Improvised Explosive Device.

Sa ngayon sinabi ni Major General Arnel Dela Vega, commander of the Joint Task Force Central na mas pinaigting ng militar ang kanilang operasyon kontra sa Daesh-inspired groups sa Mindanao.

Facebook Comments