BIFF Commander na kabilang sa High Value Target din ng PDEA, Arestado

Bumagsak na sa kamay ng batas ang matagal ng pinaghahanap na si Samad Masgal o mas kilala bilang Commander Madrox ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o konektado sa ISIS.

Naaresto si Commander Madrox habang nagpapagamot sa isang pagamutan sa Cotabato City base na rin sa tip ng ilang nakakilala sa kanya.
Naospital si Madrox matapos maputulan ng braso ng matamaan ng grenade launcher sa nangyaring engkwentro kontra militar noong August 31, 2019 sa Midsayap North Cotabato.

Sinasabing sangkot si Madrox sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot bukod pa sa mga nangyaring pagsabog sa Central Mindanao na nagresulta sa kamatayan ng ilang sundalo at pagkakasugat ng ilang sibilyan.


Pinangunahan ng PDEA Region 12 , PDEA BARMM, PNP at military ang pag-aresto kay Commander Madrox
PDEA Pics


Facebook Comments