BIFF, pumalag sa pagdawit sa kanila sa Cotabato blast

80

Itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang report na sila ang nasa likod ng pagpapasabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St, Cotabato City noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay BIFF Spokesman Abu Misry Mama, wala silang alam at hindi dapat isisi sa kanila ang mga nangyayaring pamomomba sa Central Mindanao.

Masama din aniya ang loob nito dahil isa sa dalawang namatay sa Cotabato blast ay pamangkin niya.

Naniniwala si Mama na mayroong kinalaman ang Bangsamoro Organic Law (BOL) sa pagpapasabog sa nalalapit na plebisito sa Enero 21, 2019.

Facebook Comments