Big time oil price hike sa gasolina, nakaamba na naman!

72

May big time oil price hike na naman sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Epektibo sa martes, March 19… magpapatupad ng P1.50 hanggang P1.60 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Magmamahal din ang presyo ng diesel na maglalaro naman sa P0.25 hanggang P0.35 kada litro.

Habang sa kerosene, P0.40 hanggang P0.50.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggong may oil price hike simula noong Enero.

Facebook Comments